Kung ikaw si Hiro Nakamura ng Heroes at kaya mong bumalik sa nakaraan, babalik ka ba? Kung babalik ka, anong panahon ka saktong babalik? And when you’re back, will you do things that will alter your present time (which is future when you’re back there)?
Ako? It’s definitely a YES.
Babalik ako sa college. Dun sa point na nag-skip ako ng 3rd at 4th year HS dahil in-accelerate ako ng DECS sa college. Dun ako babalik. Ano ang gagawin ko dun? Aayusin ko ang pag-aaral ko. I had a good start but spoiled the rest of my PCC years.
HINDI ako sa Pasig Catholic College mag-aaral na kung saan pumapasok lang ako para magcut ng klase. HINDI rin Management ang kukunin kong course. Hindi ako babarkada kay Peter, kay Tin, kay Norman at kay Jean. Oo, kaibigan ko sila. Pero nagsisisi ako. Kasalanan ko nakipagbarkada ako sa kanila. Hindi ko na sasabihin ang mga kalokohan namin pero totoong nakakahinayang ang panahong inaksaya ko sa kanila. Sana um-oo ako sa lolo ko nung sinabi nya na sa La Salle ako mag-aral, tutal covered naman ng educational plan ko. Sana um-oo ako nung sinabi nya na HUWAG business course ang kunin ko, dahil daw pamilya kami ng doktor at engineer, hindi negosyante.
Nung nasa Lyceum na ako, in my attempt to try college the second time around, sana hindi ako nagmini-mini-mayni-mo sa listahan ng course na nasa harap ko. Sana nag-isip ako ng maigi, sana inisip ko kung ano talaga ang gusto ko. HINDI Masscom Major in Advertising ang kukunin ko.
Susundan ko ang yapak ng mga kapatid ng tatay ko. Lahat sila doktor, sana nagdoktor din ako. Anong klaseng doktor naman ang kukunin ko?
Hmmm…abogado? Eto ang gusto ng Daddy ko para sa akin. Magaling daw kasi ako mangatwiran at mahilig daw ako magderecho ng baluktot or magbaluktot ng derecho. Kaso, pito sa sampung abogado, eh dukha rin sa buhay. Yung tatlong natira, magnanakaw pa. Tsk..
Sana, sana, sana. I had a chance, several times, but blew ‘em.
On second thought, kung hindi ako sa Pasig Catholic College nag-enroll, hindi ko makilala sila Peter. Hindi ako mapapabarkada. Hindi ako magdadrop. Kung hindi ako nagdrop, hindi ako matutuloy sa Lyceum at hindi ako mag-eenroll ng MassComm. Kung hindi ako graduate ng MassComm, hindi ako magiging confident sa comm skills ko at hindi ako mag-a-apply sa Convergys. Kung hindi ako nagtrabaho sa Convergys ng tatlong taon, wala sana lahat ng background ko sa call center operations at hindi sana ako tatanggapin na TL sa IVY. Kung hindi ako natuloy sa IVY, hindi ko rin maidudugtong ang tatlong position title na nakadikit sa pangalan ko ngayon.
Wala sana ang fulfillment na nararamdaman ko every time I conduct trainings, coachings and every time I deal with clients and the bosses. Wala sana yung saya na nararamdaman ko every time ako papasok sa office at alam ko na I am needed, every time na papasok ako sa office ng IT para makipaglokokahan kay Sir Denz, every time na pupunta ako sa floor ng CS at TS para kamustahin ang agents at mga Assistant TLs, yung pagpatol ko sa mga kalokohan ni Des. Wala sana yung saya tuwing papasok ako sa office ng boss ko na nakangiti, ready manlibre ng Starbux. ;)
Kung hindi ako naging MassComm student ng taong 2001, hindi ko makikilala ang mga college friends ko. Sila, na after seven long years, are still my friends. Sila, na physically miles away from me but a single text never fails to make them come flying.
Kung hindi ako naging MassComm student ng taong 2001, hindi ko makilala si Romeo. Si Romeo na classmate ko at nag-introduce sa akin ng… ONLINE GAMES!! Kung hindi ako naging mahilig magkalikot ng computer at online games, hindi ko makilala si Bobby, si Bobby na asawa ko. Kung wala si Bobby, wala si Karsen, si Karsen na anak ko. Wala sana ang saya na nararamdaman ko tuwing umuuwi ako ng bahay at nakikita ko ang pamilyang binubuo ko, yung kulit at likot ng anak ko, yung pagwrestling nya sa akin para gisingin ako, yung tantrums ng asawa ko pag kulang ang oras ko. Wala sana matyaga naghahatid sa akin sa office araw-araw kahit sya mismo ay may sariling pagod. Wala sanang iintindi sa akin kung mangako man ako na free ako ng weekends tapos may biglang may pasok pala ako. Wala rin magtyatyaga na samahan ako libutin ang buong mall tuwing magshashopping ako.
So uulitin ko ang tanong ko. Babalik ba ako sa nakaraan? Babaguhin ko ba ang buhay ko? I said yes but I think I just changed my mind. No! Wala akong babaguhin.
I will watch my failures right before my eyes, let the chips fall where they may and let life take its own course. Because I can never be happier with what I have and what I am now. It’s not flawless but I am happier than ever.
My name is Kuku, 27 years old, mommy to a very lovable boy, impulsive and tends to say one thing in different manner. This is my nth blogsite. Yeah, baby! 
amishu.
happy new year