Warning: LONG POST AHEAD
Kayod? Para saan?
Malapit na akong mag apat na taon na nagtatrabaho. Pwde na nga ako magloan sa SSS dahil lagpas 36 months na yung contributions ko. Right after college, sabak agad. Isang Puerto Galera trip at Baguio get-away lang ata ang pahinga ko.
I was a chick in a huge hen and rooster world. I was totally clueless kung ano yung pinasok ko. Basta ang alam ko, lahat ng classmates ko magtatrabaho daw. So si apply din ako. Unang office na ina-apply-an ko, shoot agad.
Four years? Pero kahit isang beses, hindi ko natanong ang sarili ko. Bakit nga ba ako nagtatrabaho? Ano ba purpose ko? May goal ba ako? O nagpapaanod lang ako sa daloy ng alon? “One of the..” as they say. Anong klaseng empleyado ba ako?
THE BREADWINNER. May mga magulang na maysakit, kapatid na nag-aaral, anak at asawang umaasa na nasa probinsya. Eto yung mga masipag magtrabaho. Hindi mareklamo at walang absent. Ayaw din ma-late kse nanghihinayang sa deductions. Sila rin ang kontodo inspection sa payslip. Lahat ng add/deduct dapat makinis ang computation.
THE INDEPENDENT. Nakabukod sila ng bahay from their parents. They pay rent, electricity, food and water kaya kayod sila.
PARTY ANIMALS AND SHOPPING FREAKS. Sila yung nagtatrabaho lang para makagimik at makashopping tuwing sweldo. Sila yung absent tuwing 16th at 1st of the month kse bagong sweldo at siguradong may hangover pa ng mga ganitong date. Todo outfit din ang mga eto sa office. Kulang na lang sa attire nila ay mirror ball.
PIMP MY RIDE. Mas madalas sa hindi, mga lalake ‘to. Kulang na lang, pati mukha nila lagyan ng chin at sideskirt sa sobrang adik sa kotse. Tuwing sweldo, sa Banawe at Evangelista ang tuloy. Hindi nauubusan ng ipapagawa sa kotse. Balak ata nila i-laminate ang body ng sasakyan.
THE GADGET GEEK. Sila yung mga updated sa latest gadgets. Sila yung nagtatrabaho lang para makabili ng bagong celphone. Sila rin yung bago phone pero walang load. May nakasukbit na PSP sa leeg, may IPOD sa bulsa with matching earphone syempre. Para syang naglalakad na outlet sa sobrang dami ng kable at wires sa katawan. Dalawa-dalawa celphone. Di mo na alam kung san sya itetxt.
THE KONYOS. In short, di nila kelangan magtrabaho kasi galing sila sa mayamang pamilya pero nagtatrabaho pa rin. Sila ang mga pasaway. Sila rin si “I have seen better” type of people. Sila yung pwde gumimik kahit one week away pa ang sweldo, eh paano nga kasi, may mga pera naman. Hindi kumakain sa pantry o sa jolli-jeep.
PUGON. Excited ang mga ‘to sa breaks at lunch kasi susuba na sila. Kadalasan sila rin ang party animals.
THE LOLIT SOLIS. Hay, juice ko. Nuknukan ng tsismosa at tsismoso ‘tong mga ‘to. Pumapasok lang sa opisina para abangan ang buhay ng mga kapwa nya kaopisina. Lahat ng latest chika alam nya, pati yung mga hindi totoo, alam rin nya. Malawak ang background nya sa story telling at broadcasting. With feelings pa kung magkwento. Malinaw ang mata at sobrang talas ng pandinig ng mga ganito.
MOMMIES. Sila yung “hindi na bagets” nating officemates. Mommy ang madalas nating tawag sa kanila. Maalaga sila, mahilig magpayo at sobrang neutral sa lahat ng bagay. Mababait sila at tunay na ilaw ng tahanan. Hahanga ka kasi kahit may mga trabaho na ang mga anak nila, they choose to work para buhayin ang sarili nya. Sa outing, sila ang mahilig magluto at mag-asikaso sa ating mga lasing. Masarap sila yakapin at batiin ng, “Mommyyyy!!!! How are you?!?!”. Loved and adored by everyone. Hindi sila mahirap ihandle kung supervisor ka kse mababait nga at walang mga karekla-reklamo sa buhay.
THE NO ONE. Tahimik at wala masyadong kaibigan. Hindi mo alam kung tiga-saan sya o ano ang name nya. Hindi to kumikibo, halos hindi humihinga, mag-isa sa cubicle at laging seryoso. Pag nabasa mo ang pangalan nya sa mga memo, magtataka ka at mapapaisip, “Sino ‘to?”
THE LOUD ONES. Grabe magkwentuhan ‘tong mga ‘to lalo na pag magkakatabi. Talagang on top of their lungs ang kasayahan. Sobrang lakas, minsan gusto mo na sumali sa kwentuhan kahit na 20 stations away ka sa kanila. Akala mo may inuman palagi sa floor. Parang walang bukas kung makatawa at halakhak ang mga eto. Pag absent sila, alam mo agad kse tatahimik ang office.
MIA. Kaya lang sila nagtrabaho para mag absent at ma-late. Kilala na sila sa mga clinic at ospital nearby, kakasecure ng medical certificate. Sila rin ang laman ng inbox mo kung supervisor ka, nag-aadvise na absent sila. Sa sobrang absent, akala mo resigned na sya.
SI SIMANG. Sa araw-araw ata na ginawa ng Diyos, nakasimangot sila. They always find reason to whine and complain. Magreresign na raw sya for the nth time pero andun pa rin sya hanggang ngayon. Galit sila sa BF at GF nila, galit din sila sa admin, galit sila sa sweldo, galit sila sa computer, galit sa internet connection, galit sila sa work load, galit sa traffic, galit sa taxi na sinakyan bago pumasok, galit kasi mainit/masyadong malamig sa office, galit sa katabi, galit sa ballpen, papel, paper clip, pati sa turnilyo na makikita nya. Basta galit sya sa mundo. x(
THE COUPLES. Sabay mag lunch, sabay magbreak. Sabay pumasok, sabay umuwi. Minsan pareho pa ng damit. Pag off si BF, absent si GF, and vice versa.
SI OO. Pag may sinabi ka, laging OO ang sagot nya. Naintindihan daw nya at nagawa na raw nya. Pero pag hiningi mo yung report, tsaka pa lang nya gagawin. Pwde rin syang tawagin, PADPAO. Madikit lang ng konti ang likod, tulog or nakaidlip na agad. Antukin,, namumula ang mata at laging wala sa sarili.
THE RELEASE GROUP. (FOR CALL CENTERS ONLY) Sila yung mga pumapasok lang para magrelease ng calls. Lahat ng haduken alam nito. Release, Aux 0 - Auto IN, Aux 8 - Auto IN, Log out-Log in, Aux 3 - Auto in, Press-logout-continously-to-release-call, Aux BIO, ACW haduken, accidental press of Line 2, sipain-ang-kuryente-sa-ilalim-para-madisconnect-ang-computer-at-AVAYA. Basta call avoidance, bihasa sya. Kabisado nya lahat ng functions at features ng AVAYA VOIP phone.
SIPSIP. Common ‘to. Mga nuknukan ng sipsip. Kulang na lang pati kulay ng panty ng supervisor ay silipan nila at makapagbigay ng praises. Pero wag ka, dahil at the end of the day, sila rin si LOLIT SOLIS. They also tend to be plastic.
THE BADUYS. Basta baduy at saksakan ng ka-cheap-an ang mga eto. Mga papansin sa mga pretty girls. Mga ASA BOY, cheap shot, at feeling guwapo. Sumusweldo naman ng maayos, pero mukhang mabaho, libagin at hindi naliligo. Ewwww…
BLUSH ON GIRLS. Akala mo laging may pictorial kung maka-make up ‘tong mga ‘to. Foundation, blush on, lipstick, lip gloss, mascara, eyeliner, eyecolor, foundation sa leeg, glitters, bunot kilay, mirror, ALL CHECK. Kulang na lang Anzahl paint, car show na.
THE PROXY. Kasi lahat ng proxy settings sa computer at pagbypass ng firewall alam nila. Kaya nila mag update ng friendster, multiply, flickr, youtube, face-pic, dogster ng sabay-sabay. Mabilis ang kamay sa ALT-TAB at START-D, in case dumaan si supervisor.
MATAAS ANG PANGARAP. These people are goal oriented. Mataas ang pangarap at talagang gusto mapromote. Tuwing may opening na nakapost, si apply sila. Masipag at matalino. Lahat ng sabihin mo, very proactive. Kasi nga alam nila na ikaw (kung supervisor ka) ang mag-iinterview sa knila in case mag-apply sila ng promotion. They do not settle on what they have right now. They want more. They want higher position, they want bigger salary.
THE BOSS. Eto na yung mga grupo ng supervisor, manager at director. Sabay - sabay sila nagyoyosi at naglalunch. Laging may mga Starbucks sa table, KFC, GJs, Jollibee, Pizza Hut, Pancake House, Old Spagetti House, Dencio’s, Gerry’s Grill, McDo, basta lahat ng pagkain na gagastos ng higit pa sa daily rate ng rank-and-file employee nasa station nila. Ayus sa outfit kse alam mong higher ops. Mula ulo hanggang paa, branded ‘tong mga ‘to. Pwde mo sila isilid sa paper bag at para ka na rin nagshopping, BIGTIME! Lagi silang naka executive meeting, executive brainstorming, executive lunch, executive breakfast, executive dinner, executive gimik, executive bullshitting..basta may word na executive kanila yun.
BALLPEN GANG. Anong meron sa ballpen ko, bakit lagi nyo ninanakaw?!?! Potek!!!!
Note: You maybe one or more of the above categories.
So ano nga ulet ang dahilan kung bakit ako nagtatrabaho? Anong klaseng empleyado nga ako? San ako kasali dyan?
Ikaw, ano?
Hindi eto ang balak ko isulat but my fingers were unstoppable. Lolz.
My name is Kuku, 27 years old, mommy to a very lovable boy, impulsive and tends to say one thing in different manner. This is my nth blogsite. Yeah, baby! 
amishu.
happy new year